Taichung Flower Farm, magandang pasyalan ngayong winter
Dinadagsa na ng ating mga kababayan dito sa Taiwan ang Zhongshe flower farm sa Taichung lalo na kung weekend.
Sa halagang 120 NT lang ay magsasawa ka sa sandamakmak na bulaklak na talaga namang pang-instagram ang gaganda.
Kung gusto mong dito na rin mag-lunch, may buffet BBQ sila, kasama na ang entrance sa flower farm sa halagang 320 NT.
Opening hours: 9am - 6pm
Sakay ka lang ng local train to Houli Station at pagdating mo doon ay marami ng taxi na pwedeng arkilahin. Sabihin mo lang na Zhongshe flower farm o kung di kayo magkaintindihan pakita mo lang ito: 中社觀光花市.
Enjoy lang mga ka-usaPinoy!
No comments